Si Cong mahilig mamudmod ng pekeng relo

By Den Macaranas September 13,2019
share this

Si Cong mahilig mamudmod ng pekeng relo

By Den Macaranas September 13,2019
share this

HANGGANG ngayon pala ay wala pa ring pagbabago sa kanyang style ang isang kongresista na mula sa isang political clan sa Northern Luzon.

At alam ba ninyo kung anong style niya? Ang mamigay ng pekeng relo sa ilang mga barangay officials sa kanilang lalawigan.

Ayon sa aking cricket, sa Greenhills namimili ng mga “triple A” o replica watches ang ating bidang congressman.

Mayroon siyang suki sa nasabing lugar na nagtitinda ng mga pekeng relo na kung titingnan mo ay kuhang-kuha ang karakas ng mga mamahaling brand.

Noong nagdaang halalan ay tumakbo ang ating bida bilang first nominee ng isang partylist group na kumakatawan kuno sa sektor ng agrikultura.

Partylist representative ang kanyang tinakbo dahil tapos na ang kanyang tatlong termino bilang isang district congressman sa kanilang lalawigan.

Noong nakaraang kampanya ay namudmod siya ng mga “branded” watches na binili raw nya sa abroad at piling mga tagasuporta lamang ang kanyang bibigyan ng mamahalin kunong relo.

Ipinagyabang pa ni Cong. na sadyang walang kahon ang mga relo para raw hindi siya magbayad ng mahal sa customs dahil deklarado ang mga ito bilang personal effects.

Pero makalipas lamang ang ilang linggo ay biglang nangailangan ng pera ang isa sa mga nabigyan niya ng relo na barangay official.

Nang tangkang ibenta ng nasabing barangay official ang ibinigay sa kanyang “Omega” watch ay doon nya napatunayang peke pala ang regalo ni Cong.

Ang kongresista na kilala sa kanilang lalawigan sa pamimigay ng pekeng relo ay si Cong. C….as in Concord.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending