Horoscope July 26, 2013 | Bandera

Horoscope July 26, 2013

Madam Sophia - July 26, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag iasa sa iba ang tagumpay. Ikaw ang dapat magsikap. Nasa mga kamay mo ang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyo ay hindi siya dapat pagsalitaan ng masama. Mapalad ang 2, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Green at yellow ang buenas.  
Aries –(Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, mamayang gabi ay paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 3, 6, 12, 18, 27, at 39. Mahiwaga  mong mantra: “Adonai-Elohim-El-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Tiyak na ang tagumpay basta’t kumilos ka lang. Habang nagpapakasipag ay tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magseselyo ng maghapon. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— May message sa cellphone na matatanggap, may hatid itong mabuting balita. Pinapakuha na sa iyo ang pera na matagal mo ng hinihintay! Sa pag-ibig, kunwari lang na nagseselos ang kasuyo pero ang totoo ay mahal na mahal ka niya. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Aspera-Om-Astra.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Wag itago ang damdamin. Sa pag-ibig, ibulalas ang lihim na pagtingin sa isang Scorpio. Sa pinansiyal, singilin ang mga kaibigang may mga pagkakautang. Dahil kung hindi mo sila sisingilin, hindi talaga sila magbabayad. Mapalad ang 2, 7, 13, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Aum.” Violet at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pananalapi, alalahaning ang mga matatapang lang ang mabilis na yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag, hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 6, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Audaces Fortuna Iuvat.” White at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pinansiyal, kung lagi kang nakikipag-debate, paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang nang umoo! Sa pag-ibig, hayaan mong ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha.” Violet at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Pagkain ang magpapasigla sa araw na ito. Yayain ang kasuyo sa isang medyo class na restaurant.  Sa pinansiyal, tulad ng pagkasabik sa mga pagkaing matatamis,  ganoon din ang dapat ang paghahangad na yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Krishnaya-Namahaya-Om.”  Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Hingin ang opinyon ng mga kaibigan upang hindi mamali ng desisyon. Isang malapit na kaibigan ang makakatulong upang maabsuwelto ang mga problemang may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 2, 18, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina.” Green  at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Kusang lilipas ang mga problema sa darating na mga araw. Sa pinansyal at pag-ibig, pagsapit na pagsapit ng buwan ng Agosto, papabor na sa iyo ang mga pangyayari at mabuting kapalaran.  Basta’t lagi mo lang bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at blue ang buenas.  Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 42 at 47
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Panatilihin ang pagiging optimista. Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ka ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang magtagal ang anumang relasyon.  Mapalad ang 8, 17, 26, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Wag magtiwala sa mga kaibigan! Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang huwag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 8, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Black at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Mag-ipon ng sapat na salapi bago simulan ang binabalak na negosyo. Sa pagsisimula ng negosyo, huwag na huwag mangungutang dahil mababaon ka lang. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang future ng iyong pamilya. Mapalad ang 2, 16, 31, 34, 37 at  43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” White at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending