Bagyong Marilyn hindi magla-landfall pero…

MALIIT ang tyansa na mag-landfall ang bagyong Marilyn subalit magtatagal ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

 Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ngayong araw,  ang bagyo ay nasa layong 1,355 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras pa-hilagang kanluran. May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso na 70 kilometro bawat oras.

Sa Linggo ng gabi pa inaasahan na lalabas ng PAR ang bagyo kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito.

Read more...