Karla Estrada magpapakasal lang uli kung…

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

Panay kantiyaw ang inabot ni Karla Estrada tungkol sa kanyang “mystery guy” mula sa mga kasamahang host sa Kapamilya morning daily show na Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Super kinilig kasi sina Jolina at Melai sa love stories ng mga guest nila sa Magandnag Buhay na sina Pokwang, Nikki Valdez at Aubrey Miles na maligaya na sa partner nilang may dugong banyaga.

Sa kanilang lahat na nandoon, si Karla lang ang ‘di pa happily married. Kaya naman tinanong siya ni Jolina ng, “Momshie Karls, ready ka na ba (magpakasal)?”

“Alam ninyo , huwag kayong…,” biting sabi ni Karla.
Nagbigay naman ng kanyang opinyon si Melai sa lovelife ni Karla, “Nakikita mo naman na masaya ang mga nasa paligid mo para sa ‘yo.”

“Ako naman, masaya ako. Pero siyempre, with my children, kailangan ko silang irespeto. I think mas strict kasi ang mga anak ko kesa sa nararamdaman ko, ‘di ba? Especially ‘yung Kuya ko, ‘yung Kuya Daniel ko, sa pananaw niya sa pakikipagrelasyon ko. Dahil mahal ko ang anak ko,” pahayag ni Karla.

Read more...