Marco Gumabao game makipaghalikan sa kapwa barako; makakatrabaho rin sina Sarah G at Lovi

MARCO GUMABAO

GAME makipaghalikan ang Kapamilya hunk actor na si Marco Gumabao sa kapwa lalaki sa isang pelikula sa isang kundisyon.

Pagkatapos magpakita ng kanyang super flawless at matambok na pwet sa certified blockbuster hit na “Just A Stranger” with Anne Curtis, ano pa kaya ang susunod na ipakikita ni Marco sa mga next project niya?

Nakachikahan namin ang binata kamakailan at dito nga niya sinabi na hanggang butt exposure lang muna ang kaya niyang gawin at hintayin na lang daw ng kanyang fans, lalo na ang mga beki kung kakayanin ba niya ang mag-frontal.

Kuwento nga ni Marco, wala raw talaga sa script ang pagpapakita niya ng pwet sa isang intimate scene nila ni Anne. Nagsimula lang daw ito sa biru-biruan nila ni Direk Jason Paul Laxamana.

At nu’ng kinukunan na raw ang love scene nila ni Anne, parang may nagbulong daw sa kanya na ito na ang tamang panahon para gawin ito kaya kahit wala sa script, tumayo siya mula sa kama nang hubo’t hubad at buong-ningning na ibinandera ang kanyang makinis na butt.

Nang matanong naman kung ready ba siyang mag-level up sa susunod niyang project at kung payag ba siyang magkaroon ng love scene at halikan sa kapwa lalaki, “Why not? Kung maganda naman ang project at kung magugutuhan ko ang material. At kung talagang kailangang eksena, pwede naman.”

“Yung kapatid ko nga di ba, si Paolo (Gumabao), bilib nga ako sa mga ginawa niya sa Batang Poz, so, there’s a possibility na magawa ko rin. Tsaka malaki rin ang respeto ko sa LGBT community so, kung makakatulong for a cause, kaya naman siguro.”

Samantala, mukhang si Marco na nga ang bagong apple of the eye ngayon ng Viva management matapos umalis si James Reid. Pagkatapos kasi ng “Just A Stranger” marami pang proyekto ang Viva ang naka-line up para sa kanya. Kasali siya sa latest film ni Sarah Geronimo na “Unforgettable” at siya rin ang magiging leading man ni Lovi Poe sa “In Between Goodbyes” with Tony Labrusca directed by Joel Lamangan.

Ayon kay Marco, kaibigan niya si James at nakakalungkot na wala na ito ngayon sa Viva, “Friend ko si James, and it’s sad to see him leave because matagal na rin siya dito sa Viva. Pero we have to understand also na that’s life talaga.

“Minsan, may things that doesn’t work out. Ako, I wish him well, good luck sa career niya at sa singing career niya. Mami- miss namin si James dito sa Viva,” aniya.

“Yung sinasabi n’yonga apple of the eye ng Viva, if ever that’s the case, basta ako gagalingan ko na lang sa lahat ng projects na ibibigay sa akin,” hirit pa ng hunk actor.

Sa itinatakbo ng career ngayon ni Marco, marami ang nagsasabi na hindi siya nagkamali ng desisyon na pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency mula sa Star Magic. In fairness, nagsunud-sunod talaga ang proyekto niya mula nang maging Viva talent siya.

“Yes, it was really a risk na I was gonna take. Kasi ako, medyo risk taker din ako. Mahilig akong sumugal. Because hindi ko naman malalaman if gagana yung isang bagay kung hindi ko ita-try,” paliwanag ng bagong pantasya ng mga matrona’t bading.

Read more...