Angel: Basag na basag ako!

By Reggee Bonoan September 12,2019
share this

Angel: Basag na basag ako!

By Reggee Bonoan September 12,2019
share this


“ANG gagaling umarte ng mga artista, grabe basag na basag ako sa sinehan, isa yata ako sa pinakamalakas na tumatawa!”

Ito ang sabi ni Angel Locsin nang isa siya sa 124 stars na dumalo sa celebrity screening ng “I’m Ellenya L” na ginanap sa SM Megamall Cinema 1 nitong Martes.

Kaya naroon ang The General’s Daughter lead star ay para suportahan ang fiancé niyang si Neil Arce na isa sa producer ng pelikula at kaibigang si Boy 2 Quizon na isa rin sa producer at direktor ng “I’m Ellenya L.”

Kuwento pa ng aktres tungkol sa pelikula nina Maris Racal at Iñigo Pascual, “Nandoon ‘yung tawa ko at alam mo ‘yung kung paano magmahal ang Pinoy na pamilya.”

“Sobrang perfect ‘yung pagkaka-direct ni Boy 2 and I’m very proud of my fiancé, naks (sabay pakita ng engagement ring)! Ang galing-galing din nina Maris at Iñigo sobrang cute nila together and lahat ng cast na nandoon na sinuportahan nila ang isa’t isa ang ganda talaga sana panoorin nyo,” sabi pa ni Angel.

Oo nga, sasakit ang tiyan n’yo sa katatawa kay Maris sa “I’m Ellenya L” dahil sa kaartehan niya sa kagustuhang malampasan ang views at subscribers ng idolo niyang si Sue Ramirez.

Tawang-tawa kami sa improvised drone camera na kinukunan siya na nakasabit ang cellphone sa mahabang kawayan na pinagtulungang buhatin at ikutin nina Iñigo at Gio Alvarez na tatay ng dalaga sa pelikula.

Lahat kasi ng post ni Sue sa social media ay ginagaya ni Maris at dahil naka-drone camera siya ay ginawan nila ng paraan para maging mala-drone ang effect ng video niya.

Maraming eksenang nakakabaliw kay Ellenya na sinasakyan naman ng ama bagay na ikinagagalit ng lola nitong si Nova Villa dahil hindi nito gets ang ugali ng mga milenyal.

Medyo nanibago lang kami sa itsura ni Iñigo sa pelikula, may paliwanag naman ang taga-Spring Films dito, “2017 pa kasi na-shoot ito, so marami na ang nabago kay Iñigo.”

Mapapanood na ang “I’m Ellenya L” sa Set. 13 na isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 mula sa Spring Films at N2 Productions kasabay sa selebrasyon ng Sine Sandaan ng Film Development Council of the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending