Koreano arestado sa shoplifting ng tsokolate sa Cavite

ARESTADO ang isang Koreano matapos maaktuhang nagnanakaw ng tsokolate sa isang convenience store sa Bacoor City, Cavite.

Sinabi ni Lt. Col. Vicente Cabatingan, Bacoor City na makikipag-ugnayan ang pulisya sa mga immigration authorities kaugnay ng estado ng suspek na si Young Jun Han.

Idinagdag ni Cabatingan na inaresto si Young ganap na alas-6 ng gabi noong Martes dahil sa pangungupit ng tsokolate sa isang convenience store sa Barangay Niog 2.

“While checking our records, it turned out that there was a warrant of arrest issued against (Young) in 2017,” dagdag ni Cabatingan.

Ayon pa kay Cabatingan, nagnakaw din ang suspek ng mga matatamis mula sa isang tindahan sa loob ng isang mall sa Bacoor City.

Sinabi pa ni Cabatingan na hindi naman malinaw kung gaano na katagal sa Pilipinas si Young at sumasailalim pa sa imbestigasyon.

“What he had told us (so far) was that (he began stealing chocolates) after his girlfriend left him,” sabi ni Cabatingan.

Read more...