Duterte saludo kay Isko

ISKO MORENO

PINURI ni Pangulong Duterte si Manila Mayor Isko Moreno sa ginagawa niyang mga reporma sa Maynila.

“Bilib ako sa kanya kaya nanonood ako kung nagsasalita siya. Mas mahusay siya kaysa akin, sa totoo lang.  Oo, may nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa akin… Plus two ako sa kanya,” sabi ni Duterte.

Ito’y sa harap naman ng ginagawang paglilinis ni Moreno ng Maynila, dahilan para gayahin siya ng iba pang mayor sa Metro Manila.

Nagbigay naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng 60 araw sa mga mayor para matanggal ang mga nakaharang sa kanilang mga nasasasakupan.

Read more...