NAGING bagyo na ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Tinawag itong Marilyn, ang ikatlong bagyo ngayong buwan at ika-13 bagyo ngayong taon.
Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo pero hindi inaasahan na magla-landfall ito bagamat posibleng pakakasin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan.
May hangin ito na umaabot sa 40 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.
MOST READ
LATEST STORIES