2 LPA binabantayan

DALAWANG low pressure area na maaaring makaapekto sa bansa ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ayon sa PAGASA, nasa loob ng Philippine Area of Responsibility ang isa sa mga LPA. Nasa layo itong 115 kilometro sa silangan ng Laoag City.

Ang isa pa ay nasa layong 1,930 kilometro sa silangan ng southern Luzon. Inaasahang pumasok ng PAR ang bagyong ito sa Miyerkules. Dahil nasa karagatan pa ay lalakas pa ito at malaki ang posibilidad na maging bagyo.

Patuloy namang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang Haging Habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.

Read more...