27 BuCor officials sinuspinde ng Ombudsman

SINUSPINDE ng Ombudsman ang 27 tauhan ng Bureau of Corrections na sangkot umano sa bentahan ng Good Conduct Time Allowance kaya may mga preso na gustong makalabas ng mas maaga.

Anim na buwang suspensyon ang ipinataw ni Ombudsman Samuel Martires laban kina CTSO2 Ramoncito Roque, CInsp. Benjamin Barrios, CSupt. Gerardo Padilla, PSII Francisco Abunales, CSSSupt. Celso Bravo, CSSupt. Melencio Faustino, CTO3 Cherry Caliston, Ruelito Pulmano, Emerita Aguilar, CInsp. Raymund Peneyra, CO1 Jomar Coria, CInsp. Roy Vivo, CSSupt. Wilfredo Bayona, CO3 John Edward Basi, CInsp. Abel Circuela, CInsp. Roger Boncales, PGII Eduardo Cabuhat, Ma. Lourdes Razon, Mary Lou Arbatin, Susana Ortega, PGIII Anthony Omega, PGII Antonio Calumpit, P/Supt. Robert Rabo, CCInsp. Jones Lanuza, CSO1 Victor de Monteverde, Maribel Bancil, Veronica Buno.

Ayon kay Martires batay sa mga testimonya at pampublikong dokumento malakas umano ang ebidensya na nalabag ang GCTA law.

“This Office finds that the evidence in the form of testimonies of witnesses and public documents showing the anomalous release of prisoners convicted of heinous crimes/offenses appear to be strong,” saad ng Ombudsman.

Nagsagawa ng motu propio investigation ang Ombudsman noong nakaraang linggo.

Kung mananatili sa puwesto, maaari umanong maimpluwensyahan ang imbestigasyon kung hindi sususpendihin ang mga ito. “Noteworthy, respondents presently have custody and control over the documents pertaining to the questionable release of the convicted prisoners.”

Sa imbestigasyon ng Senado ay kinumpirma ng mga humarap na witness ang pagbabayad para makalaya ng mas maaga sa ilalim ng GCTA.

Read more...