Gabbi swerte sa lovelife, jackpot sa career

GABBI GARCIA AT KHALIL RAMOS

Pinaka-excited ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa kanyang magiging closet sa ipinatatayo niyang bahay.

Yes, natupad na ang dream ni Gabbi na magpagawa ng sariling bahay. Take note ilang years pa lang siya sa showbiz and yet, may naipon na siyang pagpagawa ng kanyang dream house, huh!

May konting pasilip ang isa sa bida ng Kapuso series na Beautiful Justice ng ipinagagawa niyang closet sa Instagram.

“My walk in closet is starting to come alive! Check out this lovely architectural mouldings, supplied by @arta_technik, rhythmically patterned reliefs that gives character to my ceiling.

“Who says ceilings need to be boring? I can’t wait to fill my space! #artatechnik_ph #GabbiForArtatechnik.

“P.S. who’s game for a walk in closet tour??!!! ??? will vlog soon once it’s done!!! IM SOOO EXCITED!” caption ni Gabbi sa kanyang IG photo.

Mapapanood na rin this Friday ang movie nila ng boyfriend na si Khalil Ramos, ang “LSS (Last Song Syndrome)” para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Bongga na ang career, panalo pa ang lovelife ni Gabbi, huh!

Read more...