Maine, Arjo walang sweet photo sa Japan para makaiwas sa gulo

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

NAG-IISA lang si Maine Mendoza sa mga litrato na naka-post sa kanyang Instagram. Osaka, Japan ang nakalagay na location.

Kumalat ang balitang bumiyahe pa-Japan si Meng para magbakasyon ng ilang araw kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Arjo Atayde.

Ngunit wala nga lang kaming nakitang photos na magkasama sila sa Japan kahit sa IG account ni Arjo

Ang balita, may Pinay na nakakita sa kanilang dalawa sa isang theme park. May natuwa sa pagiging mabait ng Phenomenal Star sa kanila na pumayag magkaroon ng litrato sa kanya.

Sa thread ng comments sa ipinost ni Meng, sinabi ng ilang fans na hayaan na lang lumigaya ang puso ng kanilang idolo. Ayon sa ilang AlDub fans, naniniwala silang posible pang magkaroon ng projects together sina Maine at Alden in the future pero tanggap na nila na may kanya-kanya na silang personal life.

After ng Japan, back to work na si Meng na ngaragan ang working schedules sa mga susunod na linggo.

Read more...