Palasyo: Ligtas kumain ng karne ng baboy sa kabila ng pagpasok ng African Swine Fever sa PH

TINIYAK ng Palasyo na ligtas pa ring kumain ng karne ng baboy sa kabila naman ng kumpirmasyon na nakapasok na nga ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

“There is no need to worry, considering that the DA Secretary has not cautioned us not to avoid—or not to eat or to avoid,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang press briefing.

Ito’y matapos na kumpirmahin ni Agriculture Secretary William Dar na  nagpositibo sa ASF ang blood samples ng mga namatay na baboy sa ilang piggery.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na walang itinatago ang DA kaugnay ng mga apektado ng ASF sa bansa.

 “There is no need for a directive to be transparent. All agencies of the government and departments are expected to be transparent on their activities. Now with respect to that, I’m sure the DA knew only of the affected areas at the time that they released the report,” dagdag ni Panelo.

Tiniyak din ni Panelo na ginagawa ng DA ang trabaho nito para hindi na kumalat ang sakit.

Just like any other sudden foreign disease that affects the swine industry,  the DA will undertake all the measures necessary to secure the public for their safety, that’s SOP,” ayon pa kay Panelo.

Read more...