MARAMING pasyente ang hindi na umaabot ng buhay sa ospital dahil hindi makalusot ang mga ambulansya na maghahatid sana sa kanila sa mga pagamutan sa Metro Manila.
Hindi rin naglaan ng mga special lanes para sa mga sasakyang may emergency at hindi rin handa ang mga motorista na magbigay ng daan sa mga pasyente dahilan para mamatay ang mga ito habang nasa daan.
“You feel empty. It is as if you were not given a chance to do everything in your capacity to help,” sabi ng ambulance driver at paramedic na si Joseph Laylo sa panayam ng AFP.
“If the traffic was not that bad it could have saved the patient,” dagdag ni Laylo matapos namang masawi ang isang pasyente dahil hindi makalusot ang ambulansya dahil sa trapik.
Hindi rin makalimutan ng driver na si Adriel Aragon ang nangyari sa pasyenteng kritikal ang kalagayan matapos namang umabot ng 40 minuto bago makarating ospital.
“No matter how hard we honk, even if we use our siren, if the vehicles are not moving it doesn’t matter,” ayon pa ka Aragon.
“That’s what happened that time,” dagdag ni Aragon kaugnay ng trahedya noong 2014.
Limang minuto bago makarating ng ospital, nawala na ang pulso ng babae. Idineklara itong dead on arrival sa emergency room.
Sinabi naman ni Laylo na namatay ang isang pasyente sa loob ng ambulansya dahil sa mabigat na trapiko at makipot na daan na nakadagdag sa pagkabalam para madala ang pasyente mula sa bahay papuntang ospital.