Dating aktres na si Deborah Sun huli sa drug bust

 

(PDEA photo)

NADAKIP sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency ang dating aktres na si Deborah Sun kasama ang anak nito kahapon ng madaling araw sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Nakakulong ang veteran actress sa Police Station 8ng QCPD, Jean Louise Salvador sa tunay na buhay, 60, at ang anak nitong si Angela Salvador, 45. Nahuli ang mga ito sa kanilang tirahan sa Unit 803 Royal Mansion Mont Real St., Brgy. E. Rodriguez, Q.C..

Ayon sa police report, nakumpiska sa mga suspek ang pitong piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu, weighing scale, dalawang lighter, improvised tooter at tube improvised tooter at ang P1,000 marked money.

Base sa police report, agad nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na gawain ng mga suspek.

Idinenay ni Deborah na gumagamit sila ng illegal drugs, ngunit nag-positive sila sa drug test. Sinampahan ng mga kasong  Violation Of Sec.  11 and 12 ang mga suspek.

Read more...