Veteran actor Lito Legaspi pumanaw na sa edad 77

PUMANAW na ang veteran actor na si Lito Legaspi kahapon sa edad na 77.

Ayon sa ulat, sumakabilang-buhay ang aktor bandang 10 a.m.habang naka-confine sa Cardinal Santos Memorial Medical Center dahil sa cardiac arrest.

Isinugod sa ospital ang tatay ng mga aktor na sina Zoren, Brandon at Kier Legaspi matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib nitong Biyernes. 

Wala pang detalye tungkol sa burol ng beteranong aktor pero ayon sa ulat, dadalhin muna ang kanyang labi sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City.

Taong 1959 nagsimula ang acting career ni Lito Legaspi, isa siya sa mga pambatong matinee idol ng Sampaguita Pictures.

Huling napanood ang veteran actor sa afternoon series ng GMA na My Special Tatay na pinagbidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.

Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan sa Sept. 10si Lito Legaspi.

Read more...