Angelica: Nakakatuwa na may friends ako na concern sa future ko! 

ANGELICA PANGANIBAN

Kay Angelica Panganiban nanggaling ang idea na magkaroon ng kakaibang music festival sa Pilipinas.
Nagustuhan kasi ni John Prats, ang isa sa may-ari ng  Bright Bulb Productions, ang kuwento ni Angelica about the festival kaya nabuo ang HUEniverse Music Festival: a festival like no other, to be staged on Sept. 28, at the  Filinvest City Events Grounds sa Alabang, Muntinlupa.
“Noong nakapunta ako ng Japan, kasi tatlong araw siyang camping, so kung maliligo ka ay pipila ka sa liguan, ‘yung banyo mo ay ordinaryong toilet, walang kuryente, kapag umulan ay basang-basa ka rin.
“For me, hindi ako napagod or hindi ko na siya uulitin. Sana may ganito sa atin kasi perfect lalo na ‘yung weather ng Pilipinas sa mga music festival na ganyan to think na may typhoon pa doon, inulan kami pero talagang dire-diretso ang show.
“Pagbalik ko, ikinuwento ko kay John na ang ganda ng nakita ko. Parang isang start siya, hindi na kailangan na ‘yung mga Pinoy magpunta ng ibang bansa para maka-experience ng ganito. Ang sarap mangarap na puwede itong mangyari sa Pilipinas.
“It’s a family event for them. Dala nila ang buong pamilya nila. May mga kids kasi may play area, may palaruan. Mas maganda sana na yearly may puntahan na hindi lang mga barkada kundi pati kung may pamilya ka na,” kuwento ni Angelica.
Isa rin si Angelica sa may-ari ng Bright Bulb Productions kasama sina Sam Milby, John Prats, Camille Prats at Isabel Oli.
“Actually, niyaya nila ako. Parang nagkaroon sila ng realization na bakit nga hindi natin niyayaya si Angge. Hindi naman nila pinagdamot sa akin ‘yung business venture na gusto nilang gawin. Nakakatuwa na may mga kaibigan ako na concern sa future ko.
“So, ayun, sumama ako sa kanila at napakasuwerte ko na naging blessed ang company and nakaka-inspire kasi ang sisipag nga nila na magkaroon ng mga bagong ideas. At kapag nagkaroon ng bagong ideas ay itinutuloy talaga nila, mina-mount talaga nila. I am very happy and feeling ko nasa tamang path ako kapag kasama ko sila,” she added.
Leading the HUEniverse musicfest is international DJ  Borgeous who became popular with this collaboration with Canadian EDM artists DVBBS,  titled “Tsunami.”
Also performing are Allmo$t, ang bandang Spongecola, Autotelic, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars at Chiquerella.

Read more...