Nanay ni hunk actor materyosa, kinakalakal ang anak sa mga 'manugang na hilaw' | Bandera

Nanay ni hunk actor materyosa, kinakalakal ang anak sa mga ‘manugang na hilaw’

Cristy Fermin |September 09,2019
facebook
share this

Nanay ni hunk actor materyosa, kinakalakal ang anak sa mga ‘manugang na hilaw’

Cristy Fermin - September 09, 2019 - 12:20 AM
HANGGANG ngayon ay ayaw pa ring mamatay ng kuwentong sobrang meteryosa ang ina ng isang pamosong lalaking personalidad. Sa mga umpukan sa showbiz ay siya pa rin ang paboritong gawing pulutan. Ano ito, kinakalakal ng mommy ng hunk actor ang kanyang mga manugang na hilaw, kung sino ang henerosa sa pagbibigay ng regalo ay ‘yun ang kanyang gusto? Kuwento ng isang source, “Naku, kaya nga hindi niya rin type na manugangin ang isa pang ex ng anak niya, ‘no! Marunong kasi ‘yun sa paghawak ng datung! Siya rin kasi ang breadwinner sa kanilang pamilya, kaya talagang walang mapapala sa kanya si mommy! “Kita n’yo, hindi niya type ang girl, malayo ang loob niya, kasi nga, para mapalapit sa kanya ang girlfriend ng anak niya, e, kailangang mahusay sa pagpapadulas! “Pakialam naman sa kanya ng girl, di ba? Nakipagtikisan ang female personality, siya nga ba naman kasi ang karelasyon, e, ang anak naman niya?” umpisang chika ng aming impormante. Ang talaga palang type na type na manugang na hilaw ni mommy ay ang unang girlfriend ng kanyang anak. Mahilig kasing magregalo ang young actress, spoiled sa kanya si mommy, kaya panay-panay ang papuri sa kanya sa mga interview! Patuloy ng aming source, “Kaso, sa pagiging sobrang generous naman ng girl na ‘yun, e, ang mismong family niya ang kalaban niya! Nagagalit ang mga sisters niya dahil ubus-ubos-biyaya kuno ang girlash! “Tanggap naman nang tanggap ang hunk actor at ang mommy niya, nakararating ‘yun sa pamilya ng girl, kaya inis na inis sila! “Pero itong huling naging karelasyon ng anak niya ang talagang malayo sa loob ni mommy! Talaga kasing walang pakialam ang girl na ‘yun sa ibang tao, ang karelasyon niya lang ang mahal niya! “Hindi talaga sila close, marespeto naman ang girl sa madir ng BF niya, pero hanggang du’n na lang ‘yun! Hindi nagreregalo sa biyenan niyang hilaw ang girl, dahil ang katwiran niya, e, buhkit? “Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguro naman, e, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!” pagtatapos na chika ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending