Kris mas lumakas dahil sa Himalayan salt lamp

MALAKING tulong sa kalusugan ni Kris Aquino ang Himalayan salt lamps sa kanilang bahay. Mula raw kasi nang gumamit sila nito ay mas bumuti pa ang kanyang pakiramdam.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang isang video ng pagbabalot niya ng regalo at kitang-kita sa background ang napakaraming Himalayan salt lamps.

Caption ni Kris sa kanyang IG post, “Only today is promised… you may as well be laughing… hindi ko po bagong negosyo ang himalayan salt lamps, nag order lang for family & friends because i have been feeling more energy yet peaceful & calm since keeping a lot of ours lit all over our home (yes, could be psychological, since pink & ako basta pink…) fresh upload po. Love & Light to all.”

Read more...