PATAY ang apat-anyos na anak na lalaki ng isang pulis matapos malunod sa isang resort sa Alicia, Isabela, Sabado ng gabi, ayon sa pulisya.
Hindi napansin ng mga magulang ni
Geoven Rein Gines na nakalusot siya sa pangmatandang pool sa isang pagtitipon ng pamilya sa Melchor Resort sa barangay Santo Tomas ganap na alas-7:50 ng gabi, ayon kay Police Captain Frances Littaua, Isabela police spokesperson.
Sinabi ng tatay ni Geoven na si Police Lieutenant George Gines, ginamot muna ang bata ng isang doktor ng resort bago dinala sa isang ospital.
Inilipat siya sa emergency room ng Lucas-Paguila Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival ganap na 8:45 ng gabi.
MOST READ
LATEST STORIES