Maymay ayaw muna sa bagong ka-loveteam: Si Dodong pa rin | Bandera

Maymay ayaw muna sa bagong ka-loveteam: Si Dodong pa rin

Ervin Santiago - September 08, 2019 - 12:35 AM

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

HINDI pa ma-imagine ni Maymay Entrata na meron siyang ibang ka-loveteam bukod sa kanyang “soulmate” na si Edward Barber.

Aniya, marami pa silang pwedeng gawin ni Edward na projects together at happy sila ng binata dahil sila pa rin ang gustong mapanood ng madlang pipol at ng ABS-CBN management na magkatambal.

“Hindi ko alam kung anong mangyayari sa future pero hanggang ngayon masaya ako na si Dodong (tawag niya kay Edward) muna. Kasi parang mas kumportable habang naggo-grow ka pa, may kasama ka sa lahat ng pagsubok,” chika ng dalaga nang humarap sa ilang members ng entertainment media sa presscon ng ABS-CBN para sa ika-20 anibersaryo ng Knowledge Channel sa TVPlus.

Tila kinilig naman si Maymay nang matanong kung ano nga ba ang quality ni Edward na gustung-gusto niya, “Pag nag-smile siya. Kasi di ba, seryoso talaga si Edward? ‘Yung personality niya lalo na kapag magkasama kayo or ‘yung mga kasama niya bago siyang kilala, serious type talaga siya. Kaya kapag nakita mo siya mag-smile sa ‘yo, ayun na ‘yun!”

Samantala, marami na namang masayang panoorin ang mga kabataang manonood ng Knowledge Channel dahil hatid nito ang mga bagong programang tampok ang ilang
Kapamilya stars, sa pagdiriwang ng 20 taon ng pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.

Bibida bilang bagong host si Maymay sa ikaapat na season ng Puno ng Buhay kasama si Khalil Ramos na tumatalakay sa pangangalaga ng kagubatan.

“Ang ganda kasi hindi lang siya para sa showbiz, kundi para ito sa mga bata. Gusto naming ibahagi ‘yung pagpapahalaga sa kalikasan. Habang ginagawa po namin ‘tong proyekto na ito, natututo rin ako,” chika ni Maymay.

Mapapanood na ito ngayong Oktubre, Lunes at Linggo, 3:30 p.m., kung saan ipakikita nila ang kagandahan ng mga kagubatan sa bansa. Ginawa ang programa para sa mga batang nasa para sa Grade 4 at 5 sa K-to-12 curriculum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending