Marian: Gusto ko naman maging killer, maiba lang | Bandera

Marian: Gusto ko naman maging killer, maiba lang

Bandera - September 07, 2019 - 01:20 AM

MARIAN RIVERA AT ZIGGY DANTES

“GUSTO ko killer naman!” ‘Yan ang isa sa mga dream role ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Humarap si YanYan sa entertainment media kamakalawa para sa second anniversary ng kanyang weekly drama anthology na Tadhana. Yes, magbabalik na ang asawa ni Dingdong Dantes sa programa matapos mag-maternity leave.

Dito nga ibinalita ni Marian na gustung-gusto niyang makasama muli si Dingdong na siya ring pumalit sa kanya bilang host ng Tadhana habang ipinagbubuntis ang bunso nilang si Ziggy.

“Kaso ang problema, si Dong kasi, ang dami niyang ginagawa! May Amazing Earth, StarStruck, and Descendants of the Sun, ang layo ng schedule nila. Hindi talaga magkaroon ng schedule na swak sa aming dalawa.

“Pero siyempre, promise namin yun sa Tadhana na babalik at babalik kaming dalawa ni Dong. Kung hindi man siya ang magdidirek, e, kaming dalawa ang gaganap,” paliwanag ni Marian.

Kung matatandaan, naidirek na rin minsan ni Dingdong ang kanyang misis sa isang espesyal na episode ng Tadhana. Sa tanong kung ano ang gusto niyang kuwento o role sakaling bumida nga silang dalawa ni Dingdong sa nasabing drama anthology, “Yung killer ako, ganu’n!”

“Maiba lang, well, depende pa rin sa kuwento na ibibigay ng Tadhana. Para maiba naman. Kasi, palaging gumaganap na kawawa, so subukan natin na mas challenging,” chika pa ni Yan.

Samantala, sa pagdiriwang ng ikalawang taon ng Tadhana, abangan ang two-part anniversary special ng programa tampok ang kahindik-hindik na kuwento ng Ilocano OFWs na nasangkot sa isang karumal-dmal na krimen kasama ang kanilang employers sa Cyprus.

Pinamagatang “Serial Killer”, bibida rito sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena at Rhian Ramos.

Para naman sa ikalawang episode, muling mapapanood sa isang challenging role si Lovi Poe na may pamagat na “CEO Maid”. Ito’y tungkol kay Myrna, a former seaweed diver from Bohol who gets recruited abroad as an entertainer. Pero sa ending, magiging biktima siya ng human trafficking.

Pero sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, at dahil na rin sa kanyang pagsisikap at tiyaga, magbabalik siya sa Pilipinas at magiging CEO ng kanyang sariling BPO company.

Sa nakalipas na dalawang taon, hindi tumigil ang Tadhana sa paghahatid ng makabuluhan at inspiring na kuwento na tumatalakay sa iba’t ibang mukha ng OFW. Bukod sa mahigit 1 million followers sa Facebook, kaliwa’t kanan na rin ang natanggap nitong parangal, kabilang na ang TV Journalism Award for “Best TV Series on Migration” sa 2017 Migration Advocacy and Media (MAM) Awards by the Commission on Filipinos Overseas.

Sa ginanap namang 8th OFW Gawad Parangal, Tadhana took home the “Best OFW True-to-Life Stories” prize while Marian won the “Best Actress” award for the episode “Sugat ni Inay”.

Mapapanood na ang Tadhana: Second Anniversary Specials sa lahat ng Sabado ng Setyembre, 3:15 p.m., pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko sa GMA 7.

***

Sa presscon din ng Tadhana hiningan si Marian ng reaksyon tungkol sa tagumpay na tinatamasa ng dati niyang leading man na si Alden Richards at ng kaibigan niyang si Kathryn Bernardo. Nagkasama sila sa Kapuso series na Carmela noong 2014 habang si Kathryn naman ang gumanap ng young Marian sa seryeng Endless Love (2010).

“Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya kung ano yung narating ni Alden, at saka ni Kath, sobrang happy ako para sa kanila kasi napakabait nung dalawa sa akin,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending