SWS: 9.8M Pinoy walang trabaho

TINATAYANG 20.7 porsyento o 9.8 milyong Filipino ang walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Station noong Hunyo.

Mas mataas ito sa 19.7 porsyento na naitala noong Marso pero mas mababa sa 21.2 porsyento na naitala noong Disyembre.

Sa mga walang trabaho, tatlong porsyento ang first time job seeker, 11 porsyento ang boluntaryong umalis sa pinapasukan, one porsyento ang nagsara ang pinapasukan, 4 porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at 1 porsyento ang na-lay off.

Sa mga walang trabaho, 24 porsyento ang nasa National Capital Region, 22 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 18 porsyento sa Visayas at 19 porsyento sa Mindanao.

Nakararaming Pilipino naman ang umaasa na mas darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan.

Sinabi ng 55 porsyento na darami ang mapapasukang trabaho, 12 porsyento ang kokonti ang mapapasukang trabaho, 22 porsyento ang walang nakikitang pagbabago at 11 porsyento ang walang tugon.

Ginawa ang survey mula Hunyo 22-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...