Base sa ulat ng Cabuyao City police, nangyari ang sunog ganap na alas-1:45 ng umaga sa Millwood Subdivision sa Barangay Pulo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Baldomero Gayol, 54, isang insurance agent; kanyang misis na Jennifer, 47; anak na si Rommel, 27; at apong si Sofia Arabella, 8.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Fire Bureau, sinabi ni Cabuyao police chief Lt. Col. Zeric Soriano na natagpuan ang mga labi mga biktima sa loob ng kanilang comfort room sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Idinagdag ni Soriano na lumalabas na tulog ang mga biktima nang simiklab ang sunod.
“The victims went into the bathroom but they all died of suffocation from the smoke,” sabi ni Soriano.
Idinagdag ni Soriano na posibleng isang naiwang nakasaksak na electric appliance ang pinagmulan ng sunog.