Alden: Huwag pong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Kathryn

ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO

MARIING pinabulaanan ni Alden Richards ang isang malisyosong balita na kumalat sa social media tungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo.

Nakiusap ang Asia’s Multimedia Star na huwag nang lagyan ng malisya ang pagiging magkaibigan nila ni Kathryn. Sa ilang buwang lumipas na lagi silang magkasama para sa blockbuster movie nilang nilang “Hello, Love Goodbye”, nakabuo na raw sila ng friendship na nais nilang i-treasure sa kanilang buhay.

May tsismis kasi na tawag daw nang tawag si Kathryn kay Alden at nabigyan din ng kulay ang pagsusuot nila ng parehong damit sa isang event na dinaluhan nila.

“A, ‘yan po ang hindi po totoo. Parang nabasa ko po ‘yang nabigyan ng malice yung pagkaterno po namin ng damit. Actually, it’s all by chance. Nagkakataon lang po talaga. Sana po huwag nila bigyan ng malisya yun,” pakiusap ng Pambansang Bae.

Dagdag pa niya, “I respect Kathryn and Daniel, and kung anumang meron silang dalawa.

“Kung nabibigyan ng malisya yung ganoong anggulo, working at yung pagiging magkaibigan namin ni Kath, sana naman huwag. Kasi I respect both of them,” aniya pa.

Nakachikahan ng entertainment press si Alden kamakailan matapos mag-renew ng exclusive contract sa GMA at bilang pasasalamat na rin sa pagkakapanalo niya ng Asian Star Prize sa 2019 Seoul Drama Awards at siyempre sa pagiging “highest grossing Filipino film of all time” ng “Hello, Love, Goodbye.”

Ibinalita rin ni Alden na magsisimula na sa darating na Sept. 16 ang bago niyang serye na The Gift sa GMA Telebabad. Makakasama niya rito sina Jo Berry, Mikee Quintos, Jean Garcia, Elizabeth Oropesa at marami pang iba.

Read more...