Alden inialay lahat ng blessing sa yumaong ina: Sana proud ka sa akin, see you soon…

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

BINIGYANG-HALAGA rin ni Alden Richards ang namayapang ina na nagsilbing inspirasyon niya upang makamit ang lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

“Mama kung nasaan ka man….sana proud ka sa akin ma. See you soon ok? Thank you sa inspirasyon,” bahagi ng post ni Alden sa kanyang Instagram account.

Hindi rin kinalimutan ng Pambansang Bae na magpasalamat uli sa Diyos at sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Sa upcoming Kapuso primetime series niyang The Gift, si Alden naman ang magbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mga manonood simula sa Sept. 16.

Sa ngayon, binigyan siya ng bagong title na Asia’s Multimedia Star dahil sa sunud-sunod na achievements niya sa iba’t ibang larangan.

May posibilidad pa na makoronahan siya next year bilang Box-office King dahil ang “Hello, Love, Goodbye” na nga nila ni Kathryn Bernardo ang may hawak ngayon ng highest grossing Filipino film of all time.

“Basta masaya ako dahil nandiyan pa rin ‘yung mga tao nu’ng times na masaya ako at times na malungkot ako, sa times na halos ayoko na.

“Sila ‘yung nagpu-push sa akin na hindi, meron at meron pa ‘yan hangga’t may darating sa ‘yo bigger than you would not expect it.

“Siguro ‘yun din ang binibigay sa aking comfort. Kinakausap ko rin ang Diyos. Parang, ‘Lord, ayoko na!’ feeling ko hindi ako dapat nandito.

“Meron po kasing laging nararamdaman na something big will happen. Ganito na ang pakiramdam ko bago ang Tamang Panahon.

“’Yun po siguro ang pinanghahawakan ko. Mahal na mahal ko ang trabaho. Hindi lang ito ang bumubuhay sa akin sa material kungdi ito rin ang bumbuhay sa pagkatao ko.

“Sa ngayon po hindi ko po nakikita ang sarili ko na gumagawa ng ibang bagay than umarte sa kamera,” paliwanag ni Alden sa renewal ng kontrata niya sa GMA.

Ano ang feeling niya at solid pa rin ang AlDub Nation sa kanilang dalawa ni Maine Mendoza?

“Natutuwa at thankful dahil supportive sila sa ginagawa namin ni Maine. Although may hindi payag na gumawa kami ng proyekto na magkahiwalay.

“Very much appreciative sila at naniniwala na minsan kailangang gawin ‘yon ng magka-loveteam para magkaroon ng growth at ‘yun po ang nangyayari sa aming dalawa,” saad pa ni Alden.

Pinanood din ni Meng ang “Hello, Love, Goodbye” at sobra niyang na-appreciate ito at sa totoo lang, dalawang beses pa itong pinanood ni Maine.

Pero siyempre, abangers at hoping pa rin ang loyal members ng AlDub Nation sa reunion nina Alden at Maine. Hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na muling magtatambal ang dalawa sa tamang panahon.

At sa ngayon, tuloy lang sila sa pagsuporta sa separate projects ng kanilang mga idolo kaya naman tuwang-tuwa rin sina Alden at Maine dahil nga tanggap na ng kanilang fans ang kanilang naging desisyon.

Read more...