Maymay inialay sa inang OFW ang tagumpay ng Hello, Love, Goodbye: Gustung-gusto po nila yung movie! | Bandera

Maymay inialay sa inang OFW ang tagumpay ng Hello, Love, Goodbye: Gustung-gusto po nila yung movie!

Ervin Santiago - September 05, 2019 - 04:51 PM

MAYMAY ENTRATA

INIALAY ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa kanyang OFW na ina ang tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” na kumita na ng mahigit P800 million sa takilya.

Showing pa rin ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa mga sinehan kaya inaasahang sa mga susunod na araw ay papalo  sa P1 billion mark ang kita nito. Winasak na rin ng “HLG” ang record ng “The Hows Of Us” bilang highest grossing Filipino film of all time.

Sa naganap na thanksgiving party ng Star Cinema, todo ang pasasalamat ni Maymay kina Alden at Kathryn at sa iba pa nilang mga kasamahang artista sa movie, pati na sa staff and crew at siyempre sa direktor nilang si Cathy Garcia Molina.

 “Ako po nagpapasalamat, sobra po talaga. Kasi talagang kinabahan po ako dahil ako po ang pinakabunso dito, at dahil po sa mga co-actors ko naging madali po ang proseso kasi talagang kinakabahan po ako,” chika ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya, napakarami niyang natutunan habang ginagawa ang “Hello, Love, Goodbye”, lalo na ang disiplina ng pagiging isang artista. 

“At isa sa mga iniidolo kong director, si direk Cathy, kahit hindi naging matagal ang taping ko doon pero ‘yung disiplina bilang isang aktor at aktres ay hangga’t maari na may oras pa ako noon ay talagang nakikinig ako. Salamat, Direk!” pahayag ng dalaga.

Nang matanong kung kanino niya nais ialay ang tagumpay nila sa “HLG”, mabilis niyang isinagot ang pangalan ng kanyang inang OFW sa Japan.

“Gusto ko lang din po i-share na naging fulfilment ko po ay ‘yung nakita ko ‘yung nanay ko dahil 20 years na siyang OFW at sinabi niya sa akin na ‘sobrang na-appreciate ko ‘yung movie niyo’ kasi bilang OFW mas marami nang nakakaintindi na tao kung ano ‘yung totoong nangyayari na sakripisyo at paghihirap ng mga OFW, kaya maraming salamat po,” mahabang mensahe ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending