DE-LASTIKO ang pagbibitiw ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ma-tapos pagalitan ng Pangulong Noy ang Bureau of Customs sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Nang ayaw tanggapin ni PNoy ang kanyang offer to resign, hindi na siyempre nag-insista si Biazon na umalis.
Kung may delicadeza si Biazon ay nagbigay siya irrevocable resignation, ibig sabihin di siya magpapapigil.
Sa tatlong opisyal na pinagalitan ng Pangulo noong Sona—Immigration Commissioner Ricardo David at National Irrigation Administrator Antonio Nangel at si Biazon— ang customs commissioner lang ang hindi pinagbitiw ng Pangulo sa tungkulin.
Bakit? Dahil sina David at Nangel at hindi madikit sa Pangulo na gaya ni Biazon.
Nagkasama sina PNoy at Biazon sa Kamara. Ibig sabihin, kasama si Biazon sa inner circle ni P-Noy, mga opisyal na miyembro ng KKK (Kaibigan, Kaklase, Kabarilan).
Binigyan ng pangulo ang tatlong pulis ng malaking papuri dahil sa kanilang kabayanihan sa SONA.
Si PO3 Evelyn Arbo ay pinuri sa pakikipaglaban niya sa mga holdaper kahit siya’y walang baril.
Si PO3 Felipe Montecar ay pinapurihan dahil sa pagkaka-aresto niya ng “most wanted” criminals sa Bacolod City at pagpapakulong sa kanila.
Si PO2 Dondon Sultan naman ay pinuri sa kanyang pagtulong sa isang motorista na naplatan ng goma. Nang bigyan siya ng pera ng motorista ay tumanggi siya.
Sa tatlong bayani, maaaring maliit ang ginawa ni Sultan kumpara sa ginawa nina Arbo at Montecar, pero mas kapuri-puri sa mata ng taumbayan.
Bakit? Bihira pa sa ngipin ng manok ang mga pulis na gumagawa ng gawain ng boy scout or girl scout gaya ng pagtulong sa pagtawid ng matanda sa kalye na maraming sasakyan o pagsauli ng isang nawawalang kuting sa may-ari.
Ang ginawa ni Sultan ay beyond the call of duty, ‘ika nga, samantalang ang ginawa nina Arbo at Montecar ay inaasahan sa isang pulis.
Sana dumami ang mga pulis na gaya ni Sultan.
Dalawang babaeng sundalo—sina Private First Class Rebecca M. Besales at Private First Class Marian L. Reyes—ay maipagmamalaki ng kanilang organisasyon, ang Philippine Marine Corps.
Sina Besales at Reyes ay walang alinlangan na mag-volunteer na maging blood donors kay Marie Andrea Tuason na di nila kakilala.
Si Tuason ay biktima ng hit-and-run accident.
Kinailangan niya agad ng dugo upang siya’y mao-perahan sa The Medical City hospital.
May humingi ng tulong sa akin upang masalinan ng dugo si Tuason. Agad kong tinawagan si retired Maj. Gen. Bill Ruiz, dating commandant ng Marines, at nakuha niya ang mga volunteers na sina Besales at Reyes.
Ilang taon na ang nakararaan nang ang aking anak na si Gem ay nagkasa-kit ng dengue.
Maraming mga bata na gaya ni Gem ang nakaratay sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City na nangangailangan ng blood plasma.
Tinawagan ko ang noon ay si Marine commandant na si Maj. Gen. Ponciano “El Mestizo” Millena, upang humingi ng tulong na makakuha ng blood plasma para sa aking anak na malubha ang kalagayan.
Agad na nagpadala si Millena ng isang six-by-six truck na punong-puno ng Marines na nag-volunteer na maging blood donors.
Hindi lang si Gem ang nakinabang sa dugo ng mga Marines kundi marami pang ibang bata.
Lubos-lubos ang pasasalamat ng mga magulang ng mga batang pasyente, kasama na ang inyong lingkod at ng asawa kong si Josie, pero sinabi nila na kay General Millena kami magpasalamat.
Sa mga liblib na pook kung saan na-assign ang mga Marines at kinailangan na mailapit sa ibang lugar, umiiyak ang taumbayan kapag sila’y paalis na.
May mga kuwento na ang ibang mga taong-baryo ay hinihila ang uniporme ng mga Marines upang sila’y pigiling umalis.
Ngayong nabasa ninyo ang ginawa nina Besales at Reyes sa taong di nila kilala, alam na ninyo kung bakit mahal na mahal ng taumbayan ang mga Marines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.