Faeldon sinibak ni Duterte


SINIBAK ni Pangulong Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon matapos naman ang muntik nang pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

“Yes,” Duterte nang tanungin kung sibak na si Faeldon sa pwesto.

Sa isang press conference Malacanang, matapos makipagpulong sa mga miyembro ng Gabinete, nagdesisyon siyang sibakin na si Faeldon.

“Ito I decided late last night and my orders are: One, that I am demanding the resignation of Faeldon immediately,” dagdag ni Duterte.
Kasabay nito, nanawagan si Duterte sa Office of the Ombudsman na simulan ang imbestigasyon laban kay Faeldon.

“So one is that Faeldon has to go because Faeldon disobeyed my order,” ayon pa kay Duterte.

“With Faeldon out, I am ordering all who has had the opportunity to be in that committee, all of them are with the BuCor, to report to me and to the Secretary of Justice,” aniya.

Sinabi pa ni Duterte na hindi na niya ipag-uutos ang suspensyon ng mga opisyal.

“Diretso na ito sa Ombudsman. This is a prima facie case. There’s an admission that they will remiss in their duties. As a former prosecutor tama na ‘yun, that is — that would establish the prima facie,” sabi pa ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na base sa ulat ng Department of Justice (DOJ), umabot na sa 1,700 convicted criminal ang napalaya ng BuCor.

“I will give you 15 days liberty provided you make yourself available anytime that you will called for investigation to have a recomputation or if there’s an investigation of corruption that you cooperate fully. If you do not, then beginning at this hour, you are a fugitive from justice. And you will be treated as a criminal who is evading the law and well you know things can go wrong. If I were you mag-surrender na kayo to the nearest police or military detachment wherever you are now,” sabi ni Duterte.

Hindi naman direktang sinabi ni Duterte kung bibigyan pa si Faeldon ng bagong posisyon.

Tumanggi si Duterte na sagutin kung nawala nang tuluyan ang tiwala niya kay Faeldon.

“That is between Faeldon and I,” dagdag pa ni Duterte.

Read more...