Locsin: Idiot nagpatigil sa bakuna vs dengue

TEDDY LOCSIN, JR.

SINISI ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang nasa likod ng pagpapatigil sa vaccination kontra-dengue makaraang mamatay ang misis ng kanyang personal driver dahil sa nasabing sakit.

“Who is the criminal idiot who stopped vaccination?” ani Locsin sa kanyang tweet.

Ani Locsin, nasawi ang asawa ng kanyang driver dahil sa dengue at pneumonia.

“The wife of my personal driver James and the mother of 3, all under 12 years old, died of dengue and pneumonia,” aniya. “What a fu***d up country. Dengue. Nobody dies from that. Who is the criminal idiot who stopped vaccination?”

Matatandaang ipinatigil ang pagbabakuna ng Dengvaxia matapos na iugnay rito ang pagkamatay ng mga bata na naturukan ng bakuna.

Noong isang buwan nang magdeklara ang Department of Health ng national dengue epidemic dahil sa sa napakataas na mga kaso ng may sakit.

Base sa datos ng DOH, aabot sa 229,736 ang kaso ng dengue noong Agosto 17, malapit nang maabot ang target na 240,000 sa buong taon.

Sa nasabing bilang, nasa 958 na ang mga nasawi.

Read more...