NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae sa bahagi ng Taal Lake na sakop ng Laurel, Batangas, nitong Miyerkules, matapos pagsasaksakin at palubugin sa lawa ng mga di pa kilalang salarin.
Nadiskubre ang bangkay ng di pa kilalang babae dakong alas-10:30 ng umaga, nang lumutang sa bahagi ng lawa sa Brgy. Balakilong, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Bloated at naagnas na ang bangkay, na kinakitaan ng dalawang saksak sa tiyan, nakagapos ang mga paa na itinali pa sa leeg, may busal na tape ang bibig, at may dalawang sako ng buhanging nakatali sa hita, ayon sa pulisya.
Tinatayang nasa edad 25 hanggang 35 ang babae, may taas na 5’4,” at nakasuot ng puting t-shirt at asul na panty.
Nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon para makilala ang babae at mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay.