PATAY ang dalawang lalaki matapos umanong makuryente sa pinagtatrabahuhan nilang poultry farm sa Calaca, Batangas, Martes ng hapon.
Itinakbo pa sa ospital sina Michael Sola, 21, at Hernando Ocap, 23, ngunit kapwa idineklarang dead on arrival ng doktor, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Natagpuan na lang ang dalawa na nakahandusay sa sahig ng farm sa Brgy. Puting Kahoy, dakong alas-2.
Kinakitaan ang dalawa ng first-degree burns o paso, sa iba-ibang bahagi ng katawan.
MOST READ
LATEST STORIES