Fans nabastusan sa pagyakap, paghalik ni Carlo kay Maine: Parang walang respeto!

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

Gumawa ng ingay sa social media ang pagyakap at paghalik mula sa likod ni Carlo Aquino kay Maine Mendoza who watched the former’s concert recently.

Tumalak sa social media ang fans ni Maine. Obviously, they did not like Carlo’s demeanor. Masyado raw itong feeling close, eh, sa isang movie lang naman sila nagsama ni Maine.

“I can’t help but compare CA’s gesture 2 all d male dabarkads. D TVJs r fatherly. D younger ones, ni isa sa kanila, not even Pao, ever held her like dat except 4 Baste & of course Alden & we all know why. Dey respect her dat much.”

“Yun nga din naisip ko never ginawa ng dabarkads sa kanya yan even 4 to 5 years na sila nagsasama sa eb na parang isang buong pamilya kahit nga si paolo na magkuya na ang samahan samantalang sya August lang nagkasama eh nagawa nya yan asan ang respeto sa babae.”

“Masyado lang feeling itong si Carlo. Dapat ba talagang ganun ang pag-acknowledge niya sa presence ni Maine sa concert niya? Hindi magandang tingnan kahit na sabihing close na sila. Kung papromo ito sa movie nila, fine! But for me, hindi siya magandang tingnan. He could have done something na sakto sa okasyon.”

Nakita namin ang video ng pagyakap ni Carlo kay Maine at wala naman itong malisya. Obviously, it was done in good taste. Pampakilig lang ito sa mga fans na naroroon.

Itong fans naman ni Maine akala mo kung sino. Masyadong feeling entitled sa kanilang opinion, eh, wala naming malisya ang ginawa ni Carlo sa idol nila.

Read more...