Boy sa paglipat ng manager ni Aiko: Very good! Congrats!

AIKO MELENDEZ

SINUBUKAN naming kunan ng pahayag ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa pag-alis ni Aiko Melendez sa Asian Artist Agency (AAA).

Ang AAA ay ang talent management na itinayo ng mga empleyado ni Kuya Boy sa dati niyang opisina, ang Backroom, na namahala sa career nina Ai Ai delas Alas, Ariel Rivera, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Amy Perez at marami pang iba.

And with AAA, he’s still “the big man” behind ng talent management. Through text message ay sinagot naman kami ni Kuya Boy. At ito ang reply niya sa amin, “Very good! Congrats!”

Sadyang ganoon lang daw ang mga artista, nagpapalipat-lipat at nagpapalit-palit lang ng manager.

Ganyan lang daw ang showbiz, umiikot-ikot lang. At malay nga naman natin, one day, e, bumalik ulit sa kanya si Aiko. Depende lang ‘yan kung tatanggapin siya ulit ni Kuya Boy.

Read more...