Nabigla pala si Arci Muñoz sa kapareha niyang si JC Santos sa love scene nila sa “Open” directed by Andoy Ranay.
Lahad ni Arci sa Tonight with Boy Abunda, hindi niya akalain na ‘di tatakpan ni plaster man lang ni JC ang kanyang pagkalalaki when they did their love scene.
Kaya naman napapikit na lang daw si Arci sabay sigaw kay Direk Andoy na nakahubad si JC sa harap niya. Pero ang ikina-tumbling daw ni Arci ay ang sagot ni Direk Andoy sa kanya na, “O, e, ano naman?!
Ang laki ‘di ba?”
So, when we had the chance na masolo si JC after ng interbyu sa kanila ni Arci ni Kuya Boy, na tuwang-tuwa at tawang-tawa rin sa dalawang bida ng “Open,” kinuha namin ang reaksyon niya sa revelation ni Arci.
“Ah! Ha-haha! Wala, wala. Ano ‘yun, e, occupational hazard. Nangyayari talaga ‘yun. Hindi ko naman sinasadya. Nagulat lang ako. At natawa lang ako kasi natawa siya nu’ng makita niya,” natatawang sagot ni JC.
Gusto tuloy naming maniwala sa sinabi ni Direk Andoy sa aming exclusive interview na kakabugin ng love scenes ni JC with Arci at pati na rin yung sa kanila ni Ina Raymundo ang pinag-usapang sex scenes nina Kit Thompson at Enzo Pineda sa kanilang respective movie entries sa katatapos lang na Cinemalaya.
“Wow! Ha-haha! Hindi naman ako nag-full frontal nudity sa ‘Open.’ Pero, totoo naman naman na maraming daring scenes. And yes, meron talagang makikita (na private part) sa akin sa movie,” aniya.
Hindi raw kasi nagpa-plaster sa private part niya si JC kapag may love scene siya sa movie, “Hindi (talaga), kasi masakit. ‘Yun lang actually ang reason.”
Pero siyempre nailang daw siya sa harap ni Arci habang walang plaster ang kanyang “harapan.”
“I have to respect her lalo na ‘pag love scenes. Pero siyempre I make it a point na hindi pa rin ako aabot na magkakadikit ‘yung skin and whatever, alam mo ‘yun. So, professional pa rin siya. And choreographed ‘yun, e,” aniya.
Saka sanay naman daw kasi siya na maghubad on screen and on stage kahit nu’ng nasa UP (University of the Philippines) Theater pa siya.
“Yes, I really don’t mind. But hindi ko naman din masabi na proud ako. Basta kapag inutos naman ng direktor at maganda naman ang purpose niya, then, it’s fine,” lahad pa ng aktor.
Ang “Open” ang ikatlong pelikula ni JC for three consecutive years ng PPP na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Liza Dino. Ang dalawang nauna ay ang “100 Tula Para Kay Stella” at “The Day After Valentine’s”.
Mapapanood ang “Open” kasabay ng pormal na pagsisimula ng PPP3 sa Set. 13 mula sa Promising Producer of the Year awardee at businessman na si Rex Tiri para sa kanyang T-Rex Entertainment with Blacksheep.