Julie Anne dream come true ang mapiling bagong host ng The Clash Season 2: Wow!

JULIE ANNE SAN JOSE AT RAYVER CRUZ

MAS bata at magaling na singer din ang kapalit ni Regine Velasquez bilang host ng season 2 ng Kapuso singing competition na The Clash, yan ay walang iba kundi si Julie Ann San Jose.

Take note, dagdag host din sa bakbakan ng mga singers na nangangarap maging professional at sikat na singers si Rayver Cruz.

Dream come true para sa Asia’s Pop Diva na si Julie Anne ang maging host ng The Clash, “Nakakatuwa lang din na isa ito sa mga dream ko na makapag-host ng isang singing competition, dahil galing din ako ng singing contest.

“It’s always nice to go back your roots and it brings so many memories na, wow, kami dati ‘yung nasa competition, ngayon kami na ‘yung nagho-host,” pahayag ng dalaga.

Makakasama naman nina Julie Anne at Rayver bilang mga Journey hosts ang loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan.

Mananatili naman bilang The Clash judges sina Christian Bautista, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha.

Read more...