Alden waging Celebrity Icon sa Okada Manila 2019 Awards

ALDEN RICHARDS

September na kaya naman inilabas na ng GMA Network ang mga pasiklab nilang shows sa primetime.

Kabilang sa mga pasabog na programa sa GMA Telebabad ang The Gift ni Alden Richards na mapapanood na sa Sept. 16. Teaser pa lang ng series ay humamig na ito ng positibong feedbacks.

Na-miss din kasi ng manonood ang galing sa drama ni Alden kaya naman hindi sila mabibigo sa mga eksenang ipamamalas ng Pambansang Bae bilang isang bulag na may kakayahang makakita ng past at present.

Nagpasalamat naman si Alden sa isa pang good news na natanggap niya nitong weekend, ang Celebrity Icon Award mula sa Okada Manila’s 2019 Icon Awards.

Samantala, bago umere ang The Gift ni Alden, mauuna munang umariba ang action-drama na Beautiful Justice na matutunghayan na simula sa Sept. 9 sa GMA Telebabad block. Bibida rito sina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia. Napapanahon ang kuwento ng Beautiful Justice dahil sesentro ito sa problema ng Pilipinas sa ilegal na droga.

Ang tambalang Rita Daniella at Ken Chan naman ang maghahatid ng aliw at kilig sa una nilang primetime series na One Of The Baes. Tungkol naman ito sa kuwento ng maritime students.

Nitong nakaraang Lunes, nagsimula na ang monthly drama anthology na Wagas na mapapanood bago mag-Eat Bulaga. Isang buwan mapapanood ang episode na Throwback Pag-Ibig na pagbibidahan nina Sunshine Dizon at Mike Tan.

Ang ilan pang programa ng Kapuso na aabangan sa susunod na mga buwan ay ang Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes, ang Madrasta nina Thea Tolentino at Juancho Trivino at ang Magkaagaw.

Read more...