Poll protest vs Vico Sotto ibinasura ng Comelec

VICO SOTTO

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang election protest na inihain ni dating Pasig Mayor Robert “Bobby” Eusebio laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na naging unanimous ang boto ng mga miyembro ng Second Division pabor kay Sotto.

Ginawa ang desisyon noong Agosto 30, 2019.

“The decision cited the insufficiency in form and substance of the election protest filed by Eusebio, in that ‘it failed to reflect a detailed specification of the acts or omissions complained of showing the electoral frauds, anomalies, or irregularities in the protested precincts,’” sabi ni Jimenez.

Kinumpirma rin ang desisyon ng abogado ni Sotto na si Atty. Romulo Macalintal.

“Yes,” sabi ni Macalintal sa isang text message. Sinabi ni Macalintal na natanggap nila ang desisyon ngayong Lunes.

Sa siyam na pahinang desisyon, sinabi ng Comelec, na nabigo ang kampo ni Eusebio na magpakita ng ebidensiya laban kay Sotto.

“The failure to indicate the required contents in the election protest will result to summary dismissal,” sabi ng memorandum na pinirmahan nina presiding Commissioner Luie Tito Guia, Commissioner Socorro Inting at Commissioner Antonio Kho.

Tinapos ni Sotto ang 37 taong panunungkulan ng mga Eusebio matapos na makakuha ng 209,370 boto kumpara sa boto ni Eusebio na 121,556 noong nakaraang midterm elections.

Read more...