Ryle: Hindi naman tatanggalin ang Hashtags sa Showtime


ALTHOUGH he did not name his fellow Hashtags member whom he had a spat with, sinabi naman ni Ryle Santiago sa renewal ng kanyang contract for Cherub baby care products – baby wipes, baby soap, baby cologne, baby powder – ang reason ng kanilang away.

“Nalaman ko na may lihim na pagtingin siya sa isa sa mga ex ko. Nagalit ako,” he said
Eh, ex na naman, so ano ang problema? “Kahit na. Alam mo ‘yung recent lang. Ikaw ha, ano ka papasok ka sa ganyan. Kahit tanungin mo ‘yung ibang Hashtags members, nagalit din sila. Sabi nila, ‘bakit gano’n? Akala ko ba magkakaibigan tayo tapos bakit ganyan?’”

Someone asked him kung ‘di niya ibinigay ang blessing niya sa kapwa Hashtags member.

“Hiningi ba?” he quickly retorted.

Now, Hashstags seems to face competition sa mga Bida Man na siyang ipinu-push for It’s Showtime.

“Hindi naman sa ganoon. Basta ang sabi sa amin ay hindi naman kami aalisin. We can co-exist naman, ‘di ba? It’s up to the boys and management kung aayusin nila ang trabaho nila. As long as we’re doing our jobs. Sana gawin din nila ang trabaho nila,” he said.

“Minsan kung kulang sila sa live, kinukuha nila kami. Ngayon sabay-sabay na kaming sumasayaw,” say pa ng actor-TV host.

Very grateful si Ryle dahil ni-renew ni Aileen Choi-Go, VP for Marketing of Megasoft Hygienic Products Inc., makers of Cherub, ang kanyang kontrata.

“Siyempre, ang daming artista na hindi nabibigyan ng opportunity na ganito and I am very thankful na isa ako sa mga napagkatiwalaan para humarap sa isang brand. Thank you Ms. Aileen dahil sinabi niya na hindi po siya kinokorner pero up for renewal na talaga ako,” he said.

Currently, Ryle is taking up Film sa Meridian International College (MINT).

Read more...