Beauty gustong maging Scream Queen: Idol ko si Ms. Kris!

WALANG alam si Beauty Gonzalez tungkol sa paghihiwalay umano nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Hindi naman daw nila ito napag-usapan ni Ellen nang magbakasyon sila sa Thailand last month.

“Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Nu’ng nandu’n kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala ka-ming time na magtsikahan sa kakaalaga sa anak ko.

“Hindi ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila. Basta I wish them all the best,” ang pahayag ni Beauty sa panayam ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Beauty wala ring chance na magkita at magkausap sila ni Lloydie. Pero diin niya, kung may problema ang dalawa, walang ibang makaka-solve nito kundi sila lang.

Samantala, puring-puri ang aktres ng mga nakapanood na ng iWant original horror film na “Abandoned” pati na rin ang anak niya sa pelikula na si Seth Fedelin.

Dito, ipinakita ni Beauty ang kanyang versatility as an actress, talagang nagawa niyang magdrama nang bonggang-bongga habang tumitili dahil sa panggugulo ng mga kaluluwang hindi matahimik.

Bukod sa “Abandoned” na idinirek ni Kip Oebanda at napapanood na ngayon sa iWant, isa pang horror movie ang ginagawa ni Beauty, “Watch out kayo sa scream ko dito. Itsa-challenge ko ‘yung sigaw ni Kris Aquino. Idol ko si Ms. Kris. Baka naman ako ‘yung the next ‘Screaming Queen,’ di ba?”

Read more...