Buking: Julia kilig na kilig kapag nakaka-shoot si Gerald sa All-Star Games 2019

IBINUKING ng isang fan ang kilig na reaction ni Julia Barretto during Gerald Anderson’s performance sa basketball sa All Star Games 2019.

As reported by a Facebook fan page website, halata raw na kinikilig si Julia kapag nakakaiskor sa court si Gerald.

“Nanunuod kagabi si Julia B nung basketball nila Gerald basta maka shoot si Gerald tinatakpan pa niya mouth niya para di makitang kinikilig siya. Luh! Hahaha!”

“Hahahahaha! Oo grabe nag 3 pts kasi si Gerald sa side niya. Hahahaha! Luh! Tinakpan niya ng jacket yung face niya.”

‘Yan ang magkasunod na post ng isang female fan.

Of course, there are those who defended Julia as one said, “Yung nagpost nagpunta lang dun hindi para manood ng game, kundi para kumuda ng chismis. Konting kibot at reaction lang na isang beses nya lang nakita eh post agad. Chismosa mo Ateng Benise. Humanda ka. I bet napakalayo ng upuan mo talagang nandun ka lang para may mapagusapan. Nakakahiya ka.”

Say pa ng isa pang fan ng aktres, “The reason some people are not happy because of judgement and hate, ang importanti dalaga siya at binata at si Gerald kaya walang rason at walang mali kung gusto nila ang isat isa, magkakasala lang sila kung isa sa kanila ay married, so just be happy for them.”

Read more...