Mahigit P1B pa sana ang kikitain ng ‘HLG’ kung hindi napirata

ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO

MARAMING sumisigaw para sa part 2 ng matagumpay na pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. ‘Yun pa rin ang kanilang hiling kahit pa nandiyan si Daniel Padilla na partner sa harap at likod ng mga camera ni Kathryn.

Sino nga ba ang mag-iisip na ganito kalaki ang ki-kitain ng “Hello, Love, Goodbye” samantalang sinugalan lang naman ng Star Cinema ang pagsasama ng dalawang bidang ni hindi magkakilala nang personal at nagseserbisyo pa sa magkalabang network.

‘Yung pamimirata ng mga kopya ng pelikula ay totoong-totoo, napanood din ‘yun sa bus ng aming staff sa gallery habang bumibiyahe ito pauwi ng Tarlac, natiyempuhan din namin ‘yun sa celfone ng isa pa naming staff, nakalusot talaga ang kopya ng matagumpay na pelikula nina Alden at Kathryn.

Kung hindi nangyari ang ganu’n ay mas malaki pa sana ang rehistradong opisyal na kinita ng “Hello, Love, Goodbye.” Nasa isang bilyong marka na ang pelikula pero mukhang itinatago pa ‘yun ng produksiyon.

At napakalinaw ng kopya, para ka ring nanonood sa sinehan, maliit nga lang ang telon. Parang hindi ‘yun kinunan sa theater habang ipinalalabas, parang may tagaloob na naglabas at namirata ng kopya, dahil napakalinaw talaga.

Natural lang na walang paglagyan ng kaligayahan sina Alden at Kathryn, hindi rin siguro nila akalaing ganito pala kagiging matagumpay ang kanilang pagtatambal, kaya puro pasasalamat na lang ang maririnig mula sa kanila ngayon.

Read more...