Dating sikat na basketball player utang nang utang, pero wala nang bayaran

BUMIBIDA pa rin sa mga kuwentuhan ng kanyang mga dating katrabaho ang isang kilalang male celebrity na kilalang-kilala sa kanyang hanay. Marami kasing nanghihinayang sa ki-nauwian ng kanyang career.

Sikat na sikat siya nu’n sa pagdidribol at pagsu-shoot, pero naligaw siya ng landas, hindi niya kinayang tanggihan ang kaway ng bisyong sumira sa kanyang pagkatao.

Kuwento ng isang source, “Nakapanghihinayang siya dahil isa siya sa pinakamagagaling na players na meron tayo. Idolo siya ng mga baguhang players. Pero hindi niya ‘yun iningatan.

“Kung kailan pa siya nagkaedad, e, saka pa siya nagbisyo. Sayang na sayang talaga siya! Ang dami-daming nanghihinayang sa kanya,” unang chika ng aming impormante.

Naalala pa ng mga nagkukuwentuhan, nu’ng kasagsagan ng pagkaligaw ng landas ng kilalang basketbolista ay madalas siyang nasasalang sa matinding pangangailangan, kumapal nang husto ang kanyang apog.

Patuloy ng aming source, “Madalas siyang magpunta nu’n sa practice ng mga teams ng mga kaibigan niya para mangutang. Hindi siya nagdadalawang-isip, hindi siya nahihiya!

“Nakatanghod siya sa practice, hindi mapakali, kasi nga, hindi pa niya puwedeng kausapin ang mga uutangan niya dahil nagsisipaglaro pa!

“Marami siyang inuta-ngang kasamahan, ibang-iba talaga kapag nakapailalim sa bisyong ganu’n ang tao, nakakalimutan na niya ang salitang kahihiyan. At wala nang bayaran ‘yun, ha?

“E, saan naman siya kukuha ng ipambabayad, wala naman siyang work? Sayang nga, sa galing na i-pinakita niya nu’n sa paglalaro, e, puwedeng-puwede siyang mag-coach ng mga teams ngayon, di ba?

“Hanggang sa ayan, wala na siyang matatawag na pamilya, iniwan na siya ng misis at mga anak niya. Hindi na kinaya ng mag-iina niya ang sobrang bigat ng kamao niya kapag nabibitin siya sa bisyo niya!

“Sayang na sayang siya, saganang-sagana pa naman siya sa gatas nu’ng kalakasan niya sa paglalaro!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, meron nang clue, ha?

Read more...