Arci: Hindi ko keri ang open relationship, kung ayaw mo na, huwag na, tapusin na’

HINDI keri ni Arci Muñoz ang pumasok sa isang “open relationship”. Conservative pa rin daw kasi siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Single na uli ngayon si Arci. Inamin niya sa nakaraang presscon ng bago niyang movie, ang “Open”, na nag-break na sila ng kanyang boyfriend na si Anthony Ng.

Pero aniya, ayaw na niyang pag-usapan kung bakit sila naghiwalay basta mutual at maayos naman ang kanilang break-up at wala ring third party involved.

“It’s shallow. It’s just really, maybe it’s not the right time,” pahayag ng aktres. 

Sa pelikulang “Open” na idinirek ni Andoy Ranay, kung saan makakatambal ni Arci si JC Santos, gaganap siya bilang si Rome na isang loyal at mapagmahal na girlfriend.

“Rome is a woman who has strong beliefs sa pagiging solid ng relationship nila ni Ethan (JC). Actually hinihintay na nga niyang mag-propose sa kanya, eh. Pero sa tagal ng pagsasama nila, tumatabang na ang pagsasama nila eh. So nagkaroon ng test sa relationship nila,” kuwento ni Arci.

Ang suggestion ni Ethan, to save their relationship, try an open set-up, “Taboo, actually taboo ang kuwento eh. Sa movie kasi si Rome solid ang faith niya kay Ethan eh. She is seeing na may forever na sila. Mahal nila ang isa’t isa talaga.”

Pero sey ni Arci, “Kailangan niyang gawin ito (open relationship) you know, she has to try it out at pagbigyan si Ethan kahit ayaw niya to know if they can save their relationship, dahil nag-agree na siya na sige, ‘yun siguro ang tama.”

Pero sa totoong buhay, hindi ito kaya ni Arci, “Pero kung sa akin iyung ganu’n na open relationship, hindi  mangyayari sa akin ‘yun. Sa akin kung ayaw mo na, e, di ayaw mo na. Goodbye na.  

“Kasi when I commit I am really a committed person. Iyun talaga ang stand ko. Dating puwede siguro pero dating lang yun, nothing will follow, oo nothing more. I will do my own fight for our relationship to be saved.

“I am coming from a truly conservative family. My parents who are both straight-edge Christians,” aniya pa.

“I will not say yes to an open relationship. I will respect couples who do, sa mga magkarelasyon na okey ang ganu’ng set up, well bahala sila kung ano trip nila, but I will not recommend it to other couples.

Kaya naman isang matinding challenge para sa kanya ang karakter ni Rome, “Since when the story was presented to me, talagang alam ko na hindi ako ito. I told direk Andoy.

“Dati kadalasan sexy comedy ang roles ko eh, na may substance though. Then things grew to serious levels already. Now I see this role where I learn in a big way,” dagdag pa niya.

Showing na ang “Open” sa Sept. 13nationwide, ito ang official entry ng Black Sheep at T-Rex Entertainment sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino. 

Read more...