“She’s very girlfriend material!” ‘Yan ang ibinandera ni Edward Barber patungkol sa kanyang “soulmate” na si Maymay Entrata.
Nililigawan na ng binata si Maymay pero hindi naman daw niya minamadali ang dalaga sa sagot nito. Alam kasi niya na hindi pa priority ng young actress ang pumasok sa seryosong relasyon.
Sa panayam kay Maymay sa presscon ng “M.E. and U” concert nila ni Edward, sinabi ng dalaga na darating din ang tamang panahon para sa kanila ng kanyang ka-loveteam, “Hindi pa po sa ngayon, mas focus po ako sa pamilya muna pero nandiyan naman po si Dodong (tawag niya kay Edward), eh.
“Naging bahagi na siya sa buhay ko, ayaw ko na rin siya mawala, half doon na may freedom din siya kung ano ang gusto niyang gawin. Hangga’t maaari kapag okay na po lahat. Kapag feeling ko ito na ‘yung tamang panahon. Tsaka sasabihin naman namin,” aniya.
Sey naman ni Dodong, “I am taking my time with everything I do whether with Maymay or work so ayaw ko talagang mag-rush and ayaw ko na may pressure.”
At sa tanong kung girlfriend material si Maymay, Edward replied, “She’s very girlfriend material and to the point na I don’t wanna see her as the girlfriend of another.”