“IT’S complicated!” Yan ang description ni Sunshine Dizon sa relasyon nila ng kanyang estranged husband na si Timothy Tan.
Hangga’t maaari ay ayaw nang magsalita ng Kapuso actress sa tungkol sa kanyang personal life lalo na ang tungkol sa legal battle niya laban sa nakahiwalay na asawa at sa umano’y lover nito.
Sa presscon ng bagong project ni Sunshine, ang pagbabalik ng drama anthology na Wagas na lumipat na nga sa GMA 7 mula sa News TV, sinabi nitong okay na sila ni Timothy pero hindi sila “friends.”
“Basta kung anong makakabuti para sa mga anak namin, okay kami. Nandu’n na kami sa punto na wala kaming masyadong pinagdidiskusyunan, basta maayos lang yung mga anak namin,” paliwanag ni Shine.
Pagpapatuloy pa niya, “I cannot say that we’re friends, e. I cannot say naman kasi very complicated pa yung situation. Pero basta maayos kami for our children. For now, okay na muna ‘yun.”
Wala rin siyang itinatago sa mga anak niya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Timothy, “Alam naman, wala akong tinatago sa mga anak ko.
“Hindi ako yung old school thinking na, ‘Ay, wag natin sabihin baka masaktan.’ Hindi ako ganu’n, I’m very open minded about this. I’d rather they know para pagtanda nila, wala ng tanong,” aniya pa.
Samantala, dahil tungkol sa second chances ang Wagas: Throwback Pag-ibig, natanong si Sunshine kung naniniwala ba siya sa konsepto nito, “Ang hirap sagutin, e. Ha-hahaha! Nagpapakatotoo lang ako!”
“Mahirap ‘yang sagutin, honestly. But I always try to look at the positive side of life. And if it’s really the right time, then it will happen, di ba? Hindi mo kailangang sadyain,” lahad ni Shine.
Sa unang pasabog ng month-long series na Wagas, Sunshine will portray the character of July, na nakipagbalikan sa kanyang estranged husband (Mike Tan) para sa anak nilang si Smile (Leanne Bautista).
Sunshine is no stranger to Wagas, having been part of its episodes before, “Happy ako kasi malapit sa puso ko ang mga taga-GMA Public Affairs. I always enjoy working with them.”
For his part naman, sinabi ni Mike na naka-relate siya sa kanyang character, “Kasi tatay na rin ako, eh.
Mabigat ‘yung mangyayari. Ako naririnig ko pa lang sa story conference parang sobrang bigat na. Pero maraming matutunang aral ang lahat ng members ng family sa pagbabalik ng Wagas.”
First aired in 2013 on GMA News TV, Wagas has become a weekly routine of Kapuso viewers. It won a Gold Camera Award in the Docudrama category at the 2014 US International Film and Video Festival for the love story of a man with cerebral palsy.
Panoorin ang world premiere ng Wagas: Throwback Pag-ibig sa Lunes, Sept. 2, bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7. Kasama rin dito sina Lovely Abella, Iya Mina at Regine Angeles sa direksyon ni Adolf Alix.