Kaso ng dengue umabot na sa mahigit 200K; 800 namatay


TUMAAS na sa mahigit 200,000 ang kaso ng dengue sa Pilipinas na may 800 mga nasawi, ayon kay Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOH’s epidemiology bureau, nakapagtala na ng kabuuang 208,917 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 10, na mas mataas kumpara sa 2018 kung saan nakapagrekord ng 102,298 kaso ng dengue sa kaparehong panahon.

Nakapagtala rin ang DOH ng 882 mga nasawi dahil sa dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 10, na mas mataas kumpara sa 540 na naitala sa kaparehong panahon.

Base sa rekord ng DOH, tumaas ng 40 porsiyento ang kaso ng dengue matapos makapagtala ng 12,802 kaso mula sa Agosto 10 ngayong taon mula sa 9,149 kaso na nailatala sa kaparehong panahon noong 2018.

Samantala, ang Western Visayas ang may pinakamataas na kaso ng dengue na may 36,476 kaso at 166 namamatay, na sinundan ng Calabarzon sa 27,091 kaso at 88 nasawi.

Sinabi ng DOH na kabilang sa mga rehiyon na lumagpas na sa threshold para sa epidemic:

Calabarzon
Mimaropa
Region V
Region VI
Region VIII
Region IX
Region X
Region XII
BARMM
National Capital Region

Noong Agosto 6, idineklara ang national dengue epidemic sa harap ng tumataas na kaso ng dengue.

Read more...