PATAY ang dalawang Pinoy seafarers matapos sunugin ng isang grupo ng mga kriminal ang isang bar at binarhan ang lahat ng lalabasan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na iniulat ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio Tuazon na 26 na iba pa ang namatay sa insidente kung saan sinunog ng gang ang isang bar sa Port of Coatzacoalcos, Veracruz, Mexico noong Agosto 27.
“State Governor of Veracruz Cuitlahuac Garcia released a statement in social media, mentioning that the attack was a result of a dispute between rival gangs in the area,” sabi ng DFA.
Idinagdag ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa lokal na mga otoridad at ang manning agency ng dalawang Pinoy seafarers para sa pagpapauwi ng mga labi ng mga biktima.
“The DFA extends its condolences to the families of the Filipino seafarers, and the Embassy stands ready to provide further assistance if needed,” sabi ng DFA.