TINAMAAN ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 sa bola noong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang tumama ng P61 milyong jackpot prize ng SuperLotto ay tumaya sa Butuan, Agusan del Norte. Anim na numero ang tinayaan ng nanalo at siya ang namili ng mga numerong 07-24-14-18-17-27.
Nanalo naman ng tig-P14,190 ang 61 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P320 naman ang 2,148 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 26,380 mananaya na nakatatlong numero.
Ang nanalo naman ng P14.3 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 ay tumaya sa Ilaya, Mandaluyong City. Ang nanalo ang pumili ng nanalong winning numerb combination na 08-07-40-11-05-42.
Nanalo naman ng tig-P13,450 ang 43 mananaya na nakalimang numero. Tig-P13,450 ang 43 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 22,191 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Ang premyo na mahigit P10,000 ay papatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion.